“Kailangan ang tatag ng kalooban kapag dumarating ang mga pagsubok sa buhay”
Ang Ibong Adarna ay isang pasalaysay na tula na ang buong pamagat ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania. Walang tiyak na petsa ang tula, at nananatiling lihim ang awtor nito, bagaman may ilang naniniwala na ang nasabing tula ay isinulat ni Huseng Sisiw na palayaw ni Jose de la Cruz. Si Huseng Sisiw, ayon kay Julian Cruz Balmaseda, ang nagturo umano kay Francisco Balagtas kung paano sumulat ng tula.
Sa isang alamat sa Pilipinas, ang Ibong Adarna (English: The Adarna Bird) ay isang mahiwagang ibon na nakakapagpagaling ng anumang karamdaman sa pamamagitan ng kanyang tinig. Mahirap makahuli nito dahil nakakapagpatulog ang kanyang awitin at nagiging bato ang sinuman mahulugan ng kanyang ipot. Mayroong tatlong prinsipe, sina Don Pedro, Don Diego at si Don Juan, na kailangang hanapin ito dahil ito lamang ang makakatulong sa ama nilang hari na may sakit.
kliezel’s book reviews