Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia
Book Excerpt
Yaong letrang =t=, ay ang cahulugan tribunal nang Dios talarong timban~gan, masama,t, magaling doon matitingnan ang juicio nang Dios pagdating nang arao.
Yaong letrang =i=, cahulugang dala Imperio at bayan nang Dios na Amá, ang lahat nang banál doon naquiquita na nan~gag pupuring touang ualang hanga.
Yaong letrang =ll=, ay ang cahulugan iná po ay dinguin at aquing tuturan, ang Dios na Amá,i, caya nagpalagay gloria,t, infierno na pag pipilian.
Ang tauo sa mundong inapó ni Eva anomang ibiguin pahintulot niya, cun caya nag lagay ay laang talaga sucat pag palagyan pagdating nang ora.
At ang letrang =a=, bilang catapusán cahulugan naman ay inyong paquingan, pagdating nang arao na tayo,i, hucumán mayama,t, mahirap paparehong tunay.
Sa Dios ay uala na malaqui,t, muntic at ualang marunong ualang ignorantes, uala namang Papa,t, ualang Cardenales paparehong lahat pagdating nan
Editor's choice
(view all)Popular books in Fiction and Literature
Readers reviews
its kinda wow.!!
- Upvote (0)
- Downvote (0)
mabuhay pinas!
pero mabalik tayo kay Juan Tamad. Totoong tumatak na ito sa isip ng baway Filipino.Hindi tamad, mahilig lang mag siesta.Walang masama mag enjoy.Pero ang pag asenso, mabagal.Naghihintay ng grasya.yun ang mali.
relihiyosa pala ang nanay ni juan tamad...
at ayaw ng dasal na paulit-ulit...
kung sino man ang lumikha ng kuwentong ito...
malamang ibinase niya ang kuwento ayon sa obserbasyon niya noong panahon nila...
komentaryo:
ngayon, di lang tumatatak ang pangalan ni juan tamad sa buong pilipinas...
nag-mala propeta pa ang kumatha kay juan tamad...
dahil pati ugali ni juan tamad.... lumago na ng todo sa pilipinas...
pinakamarami na sa gobyerno...
ayaw na magtrabaho ng pinagpapawisan...
ang gusto e salampakan mo na lang ng pera sa bunganga...
tarantadong marami sa mga kapulisan na katataba ng dahil sa kotong na pnagpaguran ng iba...
walang hiyang mga pinuno na isinusuka mo na e talaga namang nagpupumilit na pumasok ulit sa bibig mo...
nag-evolve na si juan nsa panahon natin...
siya na si...
juan tamad alyas magnanakaw