Ang Katipunan
Book Excerpt
At sa camatayan na lilibot-libot
sa bundoc, sa bayan at mga alaboc
na di tumitiquil sa mga pagdampot
sa buhay ng tauo na guising at tulog.
LUSINO.--Ang sa aquin naman na pagcacamasid
sa mga caauay:--¡cun ano ang bilis
ng bala ng mauser, gayon din ang inet
ng gato't pag ilas sa lauac ng buquid!
KALINT.--¡Tunay caya baga lahat ng sinaysay
ng mga catoto't aquing caibigan
¡marahil ay hindi!... ¡pauang cabambanan
at ang ibang turing ay capalaluan!...
ICASAMPUNG DIGMA
Sila rin, saca si Tibó at ang cawal.
TIBÓ.--Inyo pong dalauin ang cuta at muog na lubhang mainam ang pagcacaayos.
JOSEFO.--¿Tunay?
TIBÓ.--Tanauin mo po at macalulugod ang taas at capal, catulad ng gulod.
JOSEFO.--Cung gayon ay bigyan ng hitso't tabaco
ang lahat ng cawal na doo'y dumaló
dalhan pa ng alac na na sa sa frasco
Jerez, Manzanilla at anis del mono.
Editor's choice
(view all)Popular books in Poetry, Drama, Fiction and Literature
Readers reviews
who instigated a revolution against the Spaniards during their
occupation in the Philippines.
Isang dula na sinulat noong 1899 tungkol sa mga Katipuneros na naghimagsik laban sa mga mananakop na Kastila.
- Upvote (0)
- Downvote (0)