Panayam ng Tatlong Binata — Ikalawang Hati
Book Excerpt
ang usap na aming pagkakasunduan.
Gayon ang laging isinisigaw niya
habang namamangka't nagtutumayo pa
walang anoano'y lumitaw pagdaka
isang taong pan~git na walang kapara.
Naupo sa daong nang kaniyang bangka
at ang sinabi niya'y inusisa
tunay bang ibig mo na yumamang bigla
na gaya nang iyong man~ga salita.
Oo anang lan~go't nasa ko'y n~gayon din
kung iniibig mong ako'y payamanin
anitong tumanong kung iyong susundin
ang kahilin~gan ko yama'y tatamuhin.
Hustong isang taóng ay kung dumating na
ikaw ay sa akin pilit na sasama
n~guni't yayaman ka na walang pagsala
at sa iyoy madla ang man~gagtataka.
At kung papayag ka'y iyong pifirmahan
itong gagawin kong isang kasulatan
tandang pagayon mo sa ating usapan
na ikaw ay akin magpakailan man.
Inaayunan ko ang sagot nang lan~go
gawin mo ang sulat at pifirma ako
agad na ginawa naman nang Demonio
na ang katuwaan ay di mamagkano
Editor's choice
(view all)Popular books in Poetry, Fiction and Literature
Readers reviews
Tatlong binata na si Brindo, Brillo at si Electo ay nag papalitan ng mga kuwentong pagibig, kahiwagaan at mga istoryang nakakakilabot.
- Upvote (0)
- Downvote (0)