Justicia Nang Dios

Justicia Nang Dios

By

5
(1 Review)
Justicia Nang Dios by Mariano Sequera

Published:

1899

Downloads:

1,185

Share This

Justicia Nang Dios

By

5
(1 Review)

Book Excerpt

a iyo'y nagtanan dahil sa ang ibig puri ay in~gatan.

Sapagca't icao n~ga'y di dapat tauaguing ministro n~g Dios, lubhang maauain, dahil sa asal mo'y totoong napuing sa hatol n~g lan~git na ualang cahambing.

Sinisira mo n~ga bilin n~g _cánones_ nilalabág mo pa sampuo pa n~g leyes, ¿hindi mo ba tantong doo'y nacatitic na baual sa clero ang asal bulisic?

¿Hindi mo ba alám ang dapat asalin n~g sino mang fraile, anomang marating? ¿di ba sa breviario may tunay na bilin sa clero'y ang linis, ang dapat gamitin?

Cung ito'y alam mo ¿baquit mo hinamac ang mahal na bilin n~g leyes na lahat, sanhi sa nais mo na nasa n~g oslac? hayop ang sa iyo'y dapat na itauag.

Tumugon ang curang may impoc na galit tiguil sinun~galing, icao ang bulisic marunong sa lahat, pati pa n~g lan~git ibig pang maabot n~g haling na isip.

Sumagot sa gayon, doroong clérigo n~g uicang mamaya magquiquita tayo, tutun~go sa Juez at isusumbong co ang causa criminal na iniimpoc mo.

Alam