Dakilang Asal
Book Excerpt
ang m~ga sinabing pag-upo't pagtindig;
at kung ikaw naman ang siyang aalis,
sila ay yukuan n~g anyong marikit.
--"_Kami pu,y paalam sa kanilang lahat,
mag-utus pu sila sa lahat n~g oras_."
--"_Magandang gabi po_." Kamayan mo agad
ang m~ga may bahay, gayari ang saad.
--"_Ang amin pung dampa ay inyo ring tunay[7]
na sa gayong daan at gayon ang bilang.
Hinihintay naming kami'y paran~galang
palagi n~g inyong malugod na dalaw_."
Sagot n~g may bahay naman ay ganito:
--"_Inyo na pung alam itong bahay ninyo,
Ninanais naming kayo,y pumarito,
upang sa tui-tui na,y masuyuan kayo_."
Nasabing may bahay kung sadyang may nais
makipagkilala sa iyo n~g mahigpit,
katunkulan niyang dalawin kang tikis
sa loob n~g tatlong araw di lalabis.
At sakaling siya sa iyo'y dadalaw,
ikaw sa kaniya ay magkakautang;
tadhana'y sa loob n~g wawalong araw
siya'y dalawin mo't itoy karampatan.
Kung u
Editor's choice
(view all)Popular books in Poetry, Drama, Fiction and Literature
Readers reviews
morals that all Filipinos were encouraged to learn in the early 1900s.
Isinulat ni Aurelio Tolentino ang tamang moralidad at kagandahang asal na dapat matutuhan ng lahat ng Pilipino noong siglo 1900.
- Upvote (0)
- Downvote (0)