Patnubay nang Cabataan ó Talinhagang Buhay ni Eliseo at ni Hortensio
Book Excerpt
dapat na suyuin ang ama at ina,
igalang at sundin utos na bala na
at houag bibig-yan anomang balisa,
Ang uica ni Platon,[2] filosofong paham,
ay Dios sa lupa ang man~ga magulang,
pagca,t, pan~galauang pinagcautan~gan,
nang tauo sa mundo nang in~gat na buhay.
Ang sila,i, igalang tantong nararapat,
suyo at pagdama,i, laguing igagauad,
tuloy abuluyan sa madlang bagabag,
pighati,t, dalita, ó anomang hirap.
At ang man~ga anac na nagsisigalang
sa canicanila na man~ga magulang,
tantong naghahanda nang caguinhauahan
dito,t, saca doon sa cabilang buhay.
Dapoua,t, ang lilo na may asal ganid
sa man~ga magulang culang nang pag-ibig,
dito pa sa lupa,i, lalasap na pilit
nang pait nang dusa,t, saclap nang hinagpis.
Para nang nasapit niyong si Absalon
nasabit ang buhoc sa puno nang cahoy
at doon namatay: ¡Oh parusang ucol
niyong calan~gitan sa may pusong gayon!
Editor's choice
(view all)Popular books in Poetry, Fiction and Literature
Readers reviews
"Eliseo at Hortensio" was read as it was sung in the Jose Rizal household. Jose Rizal remembered a character in this story while he was in Heidelburg, Germany and wrote about it to his family. This book is in the form of an "Exemplum" or "Code of Conduct" (Patnubay nang Cabataan), so it is more concerned with morals than the story.
Iba't ibang kuwento tungkol sa magandang asal ang naisulat noong panahon ng pananakop ng Kastila
sa Pilipinas. Ang mga kuwentong ito kagaya ng Eliseo at ni Hortensio ay ginamit rin upang ipalaganap ang relihiyong Kristiyano.
Ang Eliseo at Hortensio ay binabasa na parang isang kanta sa pamamahay nila Jose Rizal. Naalala ni Jose Rizal ang isa sa mga bumubuong tauhan sa kuwentong ito at isinulat niya ito sa pamilya niya habang siya ay nasa Heidelburg sa Alemania. Ang librong ito ay isang Patnubay nang Cabataan
kaya mas binigyan ng importansiya ang pagpapahiwatig ng tamang asal kaysa sa ganda ng kuwento.
- Upvote (0)
- Downvote (0)