Ang Bagong Robinson
Ang Bagong Robinson
(Tomo 1)
Book Excerpt
quita nang apuy, nang mailutò niya ang caniyang cacanin, at nang siya naman ay macapagpausoc, cung may dumadaang alin mang sasac-yan, sa pagca,t, ito,y, isang palatandaan, ay uala nang cuculan~gin sa caniya. Sa pagnanasang ito, sa pagca,t, siya,y, tauong magdaragat, na sa alin mang cahirapan ay madaling gumaua nang paraan sa iba, humanap siya nang bató na magagauang pingquian, sa pagca,t, ang caniyang sundang ay gagauin niyang binalol ó pamingquî; at sa pagca,t, ualang maquitang bató sa pulô, at yao,y, nababalot nang buhan~ging patay, ay ang guinaua,y, napasadagat, sumisid siya at humanap sa ilalim nang bató; at sa totoong pagpipilit ay nacacuha nang man~ga pinquian, at pinili niya ang lalong mabuti, at caniyang binibiac na pinaguumpog ang dalauang bató nang magcaroon nang talím na pagpipingquian, tinicman niya na piningqui nang caniyang sundang, at nang maquitang linalabasan nang apuy ay pinagpunitpunit niya ang capisang niyang barò, at pina
Editor's choice
(view all)Popular books in Fiction and Literature, Nautical
Readers reviews
0.0
LoginSign up
Be the first to review this book