Panukala sa Pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas
Book Excerpt
6.--Ualang macapapasoc sino man sa pamamahay nino mang taga Pilipinas ó taga ibang lupang natitira dito, nang ualang pahintulot ang maybahay, liban na lamang cun acalain n~g Hucom na di maipagpapaliban ang paguusisang ito, at cun magcaganito'y idadaos yaon sa paraang nabibilin sa cautusan.
Ang paghahalughug n~g man~ga casulatan at casangcapan ay gagauin palagui sa harap n~g mayari ó nang isang casambahay nito, at cun uala ay sa harap nang dalauang sacsing cahangan ó cababayan.
7.--Hindi mapipiguil at hindi rin mabubucsan nang Punongbayang hindi Hucom ang man~ga sulat na inihulog sa coreo.
8.--Ang lahat nang pasiya tungcol sa pagbibilango, sa paghahalughug nang bahay ó sa pagpiguil nang sulat ay magcacaroon nang cadahilanan.
9.--Sino mang taga Pilipnas ay di mapipilit magbago nang bahay &oac