Nang Bata Pa Kami
Book Excerpt
At dalidali akong pumasok sa dulang Zorrilla; nguni't pag-upo kong pag-upo sa aking luklukan ay siya namang pagka-tapos pelikulang "VIVIR PARA AMAR".
Ang mga ilaw ay nagliwanag. Ang mga mata ko'y aking pinagala sa loob ng dulaan, at ¡oh, anong pagkakataon! Sa palkong kapiling ng aking kinalalagyan ay may namasdan akong isang babaeng himala ng ganda. Sa biglang pagkakita ko'y hindi ko nakilala kung sino, datapwa't nang aking titigan ay nasayahan ang aking pusong kung ilan nang taong hindi hinihiwalayan ng lungkot at nanariwa sa aking gunita ang nakaraang panahon.
Nakikilala mo kung sino ang babaeng iyaon?...
Ang aking langit, ang aking paraluman, ang aking pag-asa, sa ibang salita'y ikaw, Edeng, ikaw na buhay ng aking buhay.
Sa aking pagkatitig sa iyo'y napatingin ka sa akin at nagtama ang ating mga mata.
¡Oh, anong ligaya ng dumalaw sa aking puso! Ang madilim kong hinaharap ay waring nagliwanag at parang may nakita akong landas na patungo sa kaluwalhati
Editor's choice
(view all)Popular books in Romance, Fiction and Literature
Readers reviews
- Upvote (0)
- Downvote (0)
Manuel which starts at childhood until they have grown up. Follow
their story from the years of innocence to realization in their youth.
Ito ay una sa nobelang may dalawang bahagi. Isang kuwentong ng pag-iibigan ni Edeng at Manuel na nagsimula sa pagkabata hanggang kanilang paglaki. Sundan ang kuwento nilang mula sa kamusmusan hanggang sa pagkamulat.