Si Rizal at ang mga Diwata
Book Excerpt
=V TUGMA=
=Lalabas ang Kabinataan=
Ang Mga Panganay at Ang Kabinataan
SALITAAN:
Kabinataan:--Oh! mga Panganay ... Nasaan si Rizal?... Kami ay samahan
Panganay:--Siya naming pakay Ang aming ginawing madumog sa sugal Siyang naging sanhi ng sakit ni Inang
Kabinataan:--At kami?... Oh! kami'y nagsisipagsisi
Panganay 1.º:--Tayo na; halina't alayan ng puri Ang Ina't kapatid na laging duhagi. Halina't lunasan ang sakit ni Ina Kalagin ang gapos ng pighati't dusa Halina tuntunin ang himok tuwi na Ng bunsong si Rizal
Lahat:--Halina ... Halina, (papasok na lahat)
=(Bubuksan Ang Tabing)=
=VI TUGMA=
Sa kabilang dako'y lalabas si Rizal at sa kabilang dako'y si Minerva.
SALITAAN:
Rizal:--Minerva.... Minerva, ako ay tulungan Ako ay akayin sa landas ng dangal.
Minerva:--Ano ang nais mo magiting na Rizal? Sabihin ng agad.
Rizal:-- Ang iyong
Editor's choice
(view all)Popular books in Drama, Fiction and Literature
Readers reviews
- Upvote (0)
- Downvote (0)