Ibong Adarna
Book Excerpt
Umupo na sa lamesa nagsalo silang dalaua, ay sa príncipeng naquita tinapay na limos niya.
At nag-uica capagdaca sa loob niyang mag-isa, itong tinapay cong dalá ay baquit narito baga.
Yaóng aquing linimosán leprosong gagapang-gapang, sacá dito'i, ibá naman ermitaño ang may tangan.
Ngayo'i, hindi maisip co sa Dios itong secreto, anaqui'i, si Jesucristo ang mahal na ermitaño.
Nang matapos ang pagcain ermitaño ay nagturing, don Jua'i, iyong sabihin cun anong sadyá sa aquin.
Isinagot ni don Juan sa ermitañong marangal, gayon po'i, iyong paquingan at aquing ipagsasaysay.
Ang sadyá co po aniya dahil sa ibong Adarna, igagamót na talagá sa hari pong aquing amá.
Ang sagot nang ermitaño don Juan iyang hanap mo, maghihirap cang totoo at ang ibo'i, encantado.
Isinagót niya naman
Editor's choice
(view all)Popular books in Fiction and Literature, Non-fiction
Readers reviews
- Upvote (0)
- Downvote (0)
Isang sikat na katutubong kuwentong inaawit sa Pilipinas na maaring ipinapahayag na noon isang siglo bago pa ito inilimbag noong 1860. Tungkol ito sa magkakapatid na si Prinsipe Pedro, Prinsipe Diego at Prinsipe Juan na naatasang hulihin ang mahiwagang Ibong Adarna na makapagpapagaling sa sakit ng kanilang amang Hari. Ang anak na makahuhuli at makakapag-dala ng ibon sa kaharian ang siyang magiging susunod na hari. Sino kaya sa kanilang tatlo ang magwawagi?