Cinematografo
Book Excerpt
Bru:--¡¡Nakamatay po n~g tao....!! ¡¡¡Nakuuu.!!
Bal:--¡¡Susmariosep!!....(Manginginig sa takot)
Ang:--¿Tunay n~ga ba?
Bru:--Opo, at sa katunayan, ay naririto po ang buhok at sampu n~g n~gipin n~g taong: napatay ...¡Susmariosep.....! ¡Talagang hayop si Mariano Gil! ¡Naku ang n~gipin n~g taong napatay! (Ipakikita ang n~gipin at buhok na postizo)
Bal:--(Tatan~ganan, at mapapasigaw sa takot.) ¡¡¡Naku po, Dios ko ...!!! (Pagkatan~gan sa n~giping pustiso ay makikilala. Galit) ¡Aba, eh ito ... ang n~gipin kong postiso na hinahanap ah ... (Galit) Ang hayop na ito. (Kay Bruno) ¡Animal, sa lahat ng ginawa mo sa akin, ito ang....
Ang:--¿Bakit po, Nanay?
Bal:--Eh, iyan bang hayop na iyan, linoko na naman akó.
Bru:--(Sa sarile) Sa lahat daw n~g ginawa ko sa kanya ...(Harap) ¿Kaylan ko po ba kayo linoko? (Papakumbabá)
Bal--(Ipakikita ang pustiso.) At, itó, masama pa bang pagloko?
Bru:--Eh, hindi po ba buhok iyan?
Bal--Oo n~ga, buhok, n~guni't ito'y pustiso ko animal at hindi s
Editor's choice
(view all)Popular books in Drama, Fiction and Literature
Readers reviews
Marami ang naaliw sa paglaganap ng cinema noon panahong 1920s. Dito sinulat ni Jose Maria Rivera ang kangyang obra na isang nakakatuwang dulang nagpapakita ng mga iba't ibang tao sa lipunan na mahilig manood ng cine.
- Upvote (0)
- Downvote (0)