Esperanza

Esperanza

By

0
(0 Reviews)
Esperanza by Jose Maria Rivera

Published:

1916

Downloads:

1,499

Share This

Esperanza

By

0
(0 Reviews)

Book Excerpt

uis. ¡Patuloy po kayó!... Ginoong Notario.

Art. (Ap) ¿Ano ang ibig sabihin nito?

D. Mat. Naparito po akó upang ipagbigay alam sa inyó ang huling habilin at pasya n~g isang amain n~g inyong asawa. (Kay Artemio)

Art. (Pataka) N~g aking pong asawa? (Ang lahat n~g m~ga panauhin ay mapataka. Lalo na si Esperanza.)

D. Mat. Oo, po. Isang amain nila (Ituturo si Esperanza) na siyang lalong mayaman sa Misamis na nagn~gan~galang Pedro Abelario, na kamamatay pa lamang sa Bayang ito ay inihalal niyang tunay na magmamana sa lahat n~g kaniyang pag-aari.

Art. (Kulang pa din n~g paniwala) ¿Tunay n~ga po ba?

D. Mat. Tunay po. At sa katotohanan, ay, naririto po ang testamento, at sampu n~g lahat n~g kayamanan.

(Bubuksan ang kanyang tan~gang Kartera, at ibibigay ang testamento, m~ga dokumento at m~ga salapi.)

Art. (Boong galak) ¡Esperanza, Mama, Papa.. M~ga kaibigan ko.

Lahat. (Pataka) ¿Ano ang nangyayari?