Sa Tabi ng Bangin
Book Excerpt
Ang mga binatang mawilihin sa mga binibining may magagandang ayos ay payak na nakapako ang panin~gin sa asawa ni D. Armando, na nang gabing iyon ay lalo pang gumanda sanhi sa mga suot niya.
Ika siyam na ganap ng gabi, nang ang pangatlong "campanada" ay nadingig ng lahat ng dumalo sa dulaan na sinundan pagkatapos ng pag-aangat ng "Telon de boca."
Sinimulan ang unang yugto at gayon din ang pangalawa sa di magkamayaw na palakpak ng nanganonood at ng matapos ang pangalawang yugto, ay hindi nagpatantan ang mga iyon kundi makita ang makatang Ernesto del Rio, na kung tunay mang kilala na nila, ay ibig na purihing muli.
Nang uliting iangat ang "Telon de boca" at simulan na ang "tercer acto" ay lalo pa ding nagtamo ng maraming palakpak at muling hiniling ang "Autor" noon.
Datapwa't ng dumating na sa "escenang" mahuhuli ni D. Martin (protogonista ng Dula) ang asawa niya sa piling ng kaibiga